Featured

Nagpupugay ang mga kasapi at kawani ng Tarlac Agricultural University (TAU) sa mga dakilang Pilipino ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, 25 Agosto, bilang paggunita sa katapangan at sakripisyo ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kasarinlan

๐”๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐ˆ๐“๐˜ ๐๐”๐‹๐‹๐„๐“๐ˆ๐ | ๐“๐š๐ซ๐ฅ๐š๐œ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐š๐ฅ ๐”๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐ข๐ญ๐ฒ

Nagpupugay ang mga kasapi at kawani ng Tarlac Agricultural University (TAU) sa mga dakilang Pilipino ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, 25 Agosto, bilang paggunita sa katapangan at sakripisyo ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kasarinlan. Ang kanilang kabayanihan ang nagtayo ng pundasyon ng ating demokrasya at patuloy na gumagabay sa ating paglalakbay tungo sa kaunlaran at sa mga hamon ng makabagong panahon.

Kinikilala rin natin ang mga bagong bayaning Pilipinong Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa. Nawa ang kanilang mga halimbawa ay magpaningas sa ating puso ng diwa ng serbisyo, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.

Magpapatuloy na bukas, 26 Agosto, ang mga klase at ang mga regular na operasyon ng Pamantasan.

#SmartTAU #GreenandGlobal #NationalHeroesDay #SDG4 #SDG11 #SDG16 #SDG17

ย